Wednesday, July 4, 2012

~Lumisan ka't di Nag Paalam~

Ika'y dumating sa aking buhay 
Sa di inaasahang Pagkakataon, 
Minahal at ika'y inalagaan, 
Sa kahit kaunting sandaling panahon. 

Magkalayo sa Isa't isa, 
Pagmamahal ng Puso sa iyo'y tunay, 
Ngunit binigo mo't 
Sinugatan ito ng sobra sobra.. 

Ngunit Isang araw, 
Nagbago ka na lang bigla, 
Hindi na nagparamdam, 
At iniwan mong puso'y Mag-isa... 

Damdamin ko'y iyong ginulat, 
Nang ako'y iniwan 
Pinabayaang sugatan 
Gawa nang Iyong Paglisan 

Subalit umasa pang Muli'y 
Iyong Babalikan, 
Sapagkat umalis kang bigla 
At walang paalam,... 

Hanggang Lumipas 
Mga sandali at Araw, 
Ika'y sadyang kumaripas 
Sa iyong Pinangakuan... 

Pinaasang iyo pang susuklian, 
Pagmamahal sa iyo'y, 
Iyo lamang Sinugatan, 
Hindi alam ang gagawin 
Nang ika'y lumisan at walang pag-aalinlangan.. 

Nang puso ko'y iniwan mong mag-isa, 
Buong akala ko'y 
Buhay ay walang nang Pag-asa, 

Nagmumukmok sa sulok damdamin ay puno ng kirot... 
Iniwan mong bigo ang puso, 
oh kapalaran sadyang mapaglaro't mapagbiro... 

Sana'y maghilom sugat sa puso, 
Na iniwan at Iyong ikinulong, 
Nang matikman muli ang ligaya 
Nang nakasaradong pusong puno ng pighati...
Maghihintay nang Kapalaran

Bakit ganito naging kapalaran, 

Nagmamahal subalit, 
Hindi naman ako 
Kayang Ipaglaban... 

Mahal naman kita, 
Ngunit Ika'y, 
Nagdadalawang isip, 
Dati naman'y wagas iyong pag-ibig... 

Hindi maikubli, 
Yaring Nadarama, 
Nais Ipagsigawan 
Kung gaano ka kahalaga.. 

Kahit anung tago, 
Ngunit diko Magawa, 
Nais sambitin sayo, 
Oh Giliw, Mahal Kita... 

Kapalaran sadyang mapagbiro, 
Madalas Buksan,natutulog nitong puso, 
Ngunit ikaw mahal, 
oh kay hirap masuyo.... 

Anung dapat gawin, 
Maipadama lamang sayo, 
Ang Pag sinta'y 
Tapat at totoo..... 

Hanggang kailan, 
Hanggang Saan, 
Paghihintay sa iyo'y 
Gaano pa katagal.... 

Sa wagas ng Pag-ibig, 
Sayo'y di alintana, 
Nadarama nang puso, 
Oh kay Sigla't kay Saya... 

Bakit ganun na lang, 
Pakiramdam ng puso 
Ay di mapigilan, 
Pagmamahal sayo'y 
Sadyang Ganyan... 

Sana'y sayong Pagbabalik, 
Sigaw nang puso'y 
Muli ay tanggapin 
At ito'y iyong damhin.... 

~ Para Maabot Kita~



Ano bang Gagawin, 

Para Maabot Kita? 
Sadyang kay hirap, 
Na ata at diko na kaya! 

Saan ako magsisimula? 
Saan ako pupunta? 
Sayang naman,hindi na 
Sana kitang binitiwan pa!! 

Layo na nang yong narating, 
Pagud na yata ako 
At di Na kita 
Kaya pang Habulin... 

Subalit may paraan pa... 
Ikaw'y aking tatawagin, 
Baka sakali lang 
Ako'y iyong lingunin... 

At iyong hawakan 
Aking Mga Kamay 
At isama mo ako 
Sa landas na iyong tatahakin!!! 

Wednesday, April 11, 2012

Mobile Uploads Slideshow Slideshow

Mobile Uploads Slideshow Slideshow: TripAdvisor™ TripWow ★ Mobile Uploads Slideshow Slideshow ★ to National Capital Region and Saudi Arabia. Stunning free travel slideshows on TripAdvisor