~ Para Maabot Kita~
Ano bang Gagawin,
Para Maabot Kita?
Sadyang kay hirap,
Na ata at diko na kaya!
Saan ako magsisimula?
Saan ako pupunta?
Sayang naman,hindi na
Sana kitang binitiwan pa!!
Layo na nang yong narating,
Pagud na yata ako
At di Na kita
Kaya pang Habulin...
Subalit may paraan pa...
Ikaw'y aking tatawagin,
Baka sakali lang
Ako'y iyong lingunin...
At iyong hawakan
Aking Mga Kamay
At isama mo ako
Sa landas na iyong tatahakin!!!
No comments:
Post a Comment